Lumaktaw sa pangunahing content

Panitikang Persya

KASAYSAYAN NG BANSANG PERSYA 

ANG KABIHASNANG PERSYANO

Kabuuang Teritoryo ng Persya

Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey). Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.

PANITIKANG PERSYANO


     Ang Persia o mas kilala na bilang Iran sa kasalukuyan ay isa sa may pinakamatandang panitikan sa daigdig. nagsimula ito sa makatang si Avesta noong 1000 BC. Ang panitikan ng Persia ay sumasalamin sa isang maluwalhating kultura at sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at imahinasyon ng mga persyano sa paglipas ng maraming siglo. Ito ay isa sa mga pinakalumang literatura sa buong mundo. Ang panitikan ng Persia ay kapansin-pansing inimpluwensyahan ang literatura ng Ottoman Turkey, Muslim India at Turkic Central Asia at naging pinagkukunan ng inspirasyon para kay Goethe, Emerson, Matthew Arnold, Jorge Luis Borges, Ferdowsi, at napakarami pang iba.

HALIMBAWA NG AKDA GALING SA PERSYA

Abu ʾl-Qasim Ferdowsi Tusi o Ferdowsi


Si Hakim Abul-Qasim Mansur ay ang makatang taga-persiya na nagsulat ng Epiko ng Shahnameh. Mas kilala siya sa pangalang Ferdowsi Tusi. Ipinanganak noong taong 1936, si Hakim ay lumaki sa isang bayang malapit sa Tus, Greatet Khorasan kung saan ang mga magulang niya ay nagmamay-ari ng lupain.

Ang epikong isinulat niya ay nakilala rin sa taguring Aklat ng mga Hari. Tatlumpung taon ang ginugol niya para matapos lang ang epikong ito. Ang Shahnameh ang pinakamahabang epikong isinulat ng isang tao, ito’y binubuo ng 60,000 na berso.

Tuwing ika-15 ng Mayo sa Iran, labis na iginagalang si Ferdowsi bilang “the Preserver of Persian Identity, Language and Heritage” .

EPIKONG SHAHNAMEH

Si Rostam ay nakatira sa Iran. Siya ay isang bayani at siya ay paborito ni Kaykavous. Isang araw, habang hinahanap niya ang kanyang kabayo, pumasok siya sa isang kaharian sa Samangan at siya ay naging bisita ng hari sa kalagitnaan nang paghahanap niya sa kanyang paboritong kabayo. doon, nakilala niya si Tahmina. Gusto niyasi Rostam at kilala niya si Rostam dahil sa mga ginawa niya. Nag karoon sila nang kasunduan na kung bibigyan ni Rostam si Tahmina ng anak, at ang kapalit noon ay ibabalik sakanya ang kanyang kabayo. pumayag si Rostam at siya ay umalis na kasama ng kanyang kabayo pero bago siya umalis ay binigyan niya si Tahmina ng dalawang alahas. Kapag ang anak nla ay babae, isasabit ito sa kanyang buhok habang pag ito naman ay lalake. 9 na buwan na ang nakakalipas, lalake ang naging anak nilang dalawa at  binigyan ni Tahmina ng pangalan na Sohrab ang bata. 


Matapos ng ilang taon nagkita ang dalawa sa isang digmaan. sa mata ng isa't isa, sila ay magkalaban. Sa Turan kung saan nakatira si Sohrab, siya ay isang magaling na mandirigma habang sa Persya naman, si Rostam ang nananaig. sila ay nag tunggali. Sa sobrang tagal nang laban nila, umabot ito ng isang araw. Sa kadulu-duluhan, nararamdaman na ni Rostam ang pagod niya kaya kumuha siya ng patalim at sinaksak niya si Sohrab. Nalaman ni Rostam na anak niya pala nito dahil sa palatandaan na pinagkasunduan nila ni Tahmina pero huli na ang lahat. Nadatnan nalang ni Tahmina na patay na ang kanyang anak sa mga kamay ng kanyang sariling ama na nag duduksa.


REPLEKSYON

Ang mga mahahalagang kaisipan o mga aral na taglay ng akda ay dapat alam natin na may mga bagay na biglang nawawala at bigla ring dumadating sa ating buhay. Kagaya ng pagmamahalan nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang biglaang pagkikita ni Sohrab at Rustam. Dapat binibigyan natin ng importansya kahit gaano kaliit ang bagay na iyon dahil hindi natin alam kung kalian ito mawawala sa ating piling. Dapat mapagmahal tayo sa pamilya, sa ating mga kaibigan, at sa kapwa. Gayahin natin ang si Rustam na masyadong mapagmahal at maaalalahanin kahit sa kanyang kabayong si Rakhsh.




Mga Komento