KASAYSAYAN NG BANSANG PERSYA A NG KABIHASNANG PERSYANO Kabuuang Teritoryo ng Persya Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey). Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap. PANITIKANG PERSYANO Ang Persia o mas kilala na bilang Iran sa kasalukuyan ay isa sa may pinakamatandang panitikan sa daigdig. nagsimula ito sa makatang si Avesta noong 1000 BC. Ang panitikan ng Persia ay sumasalamin sa isang maluwalhating kultura at sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at imahinasyon ng mga persyano sa paglipas ng maraming siglo. Ito ay isa sa mga pinakalumang literatura sa buong mundo. Ang panitikan ng Persia ay kapansin-pansing inimpluwensyahan ang literatura ng Ottoma